Halimbawa Ng Salaysay
Mga Sanaysay sa Filipino: Halimbawa ng Sanaysay na Nangangatwiran
Maaaring relihiyon lang ang hindi apektado ng “global economic crisis” sapagkat sa panahon ng krisis sa ekonomiya ng Pilipinas, o ng alin mang bansa sa mundo, mas nagiging relihiyoso ang mga tao. Sa panahong nararamdaman na ang pait ng buhay, ibig umigib ng sagradong tubig upang maipanulak sa nalalasahan. At sapagkat hindi makakuha ng sapat na tulong galing sa mga taong nakikita ng mata at nahahawakan ng kamay, isasalin na lamang ngayon ang pansin at pag-asa sa pananampalataya at mga paniniwala. Ang imaheng nasa espiritu ng relihiyon, maging ito man ay kasing-negro na katulad ng Nazareno sa Quiapo o kasing-tisoy ng imaheng ipinaparada sa Pampanga, o ang walang pigura ng mga iba pang samahan, ay nakikitang isang matibay na kakapitan sa panahon ng kagipitan. Mayroon itong isang hiwaga na sa oras na ikaw ay manampalataya, ikaw ay makatatanggap ng siksik, liglig at umaapaw na biyaya. Sapagkat ibig paniwalaan na sa oras ng bagyo at baha ay may isang “rescue officer” na maaring magligtas sa mga “nasalanta.” Sa bahay-sambahan, kung ika’y dadalo at mag-aaral ng mga banal na salita, (bible study o prayer meeting sa iba) hindi maaaring hindi ka mag-aabuloy. Bahagi ito ng pananamplataya mo bilang isang Kristiyano. Bahagi ito ng aral o batas na naisubo sa iyo magmula pa sa iyong kabataan. Itinuturo ito maging sa paaralan. At ito rin ang ipinangaral ng mga mananakop mahigit limang daang taon na ang nakalilipas. Kahit barya na lang ang madudukot mo sa bulsa, hindi makakalimutan ang pagbibigay. Sapagkat sa pagbibigay, maipakikita mo na ikaw ay nakikibahagi sa mga gawaing nakaatang. At sinasabing ang hindi pagbibigay ay “pagnanakaw” sa nasa Itaas. Bibili ka pa ng kandila sa loob. Ititirik ito sa mga tulusan sa paniwalang matutupad ang iyong mga kahilingan. Para magkaroon ng bisa, (o upang alisin ang konsensya sa hindi pag-aabuloy) maliwanag ang limang pisong hulog sa donation box na nasa tabi. Kung medyo hindi ka nakuntento at naghahanap ka pa ng mas mabisang makakapitan, hindi mo paliligtasing bilhin ang mga rosaryong nasa eskaparate, ang mga maliliit na kuwintas ni St. Martin de Porres para sa mga maysakit at ang pigurin ni Sto. Niño na iba’t ibang kulay, outfit at design. Mas mahal ng kaunti ang mga nasa kanan sa dahilang ito’y “nabasbasan na”. May power na taglay, ‘ika nga. Nakahilera rin ang mga printed materials para sa mga mahihilig magbasa.
Halimbawa Ng Salaysay - Bookshelf
Religion, politics, and rationality in a Philippine community
Dito nasinop ni LK Santos ang karaniwang balangkas ng salaysay ayon sa natura- listang sangay ng Realismo sa Europa at nailangkap sa panuntunang moral ng ...The Diliman review
Kamakailan lamang napahalagahan ang tradisyon, kasaysayan, atproduksyon ng mga panitikang rehiyunal. Pangatlo, halimbawa ng katutubong panitikang binihisan ...Philippine social sciences review, Rebyu ng agham-panlipunan ng Pilipinas
Navarro Sa sinaunang kasaysayan, malinaw ang diwa ng "salaysay na may saysay ... Ang isang halimbawa ng anyo ng sinaunang kasaysayan ay ang guman o epiko na ...The Filipino teacher
Tila ngayo'y unti-unti ng tinutularan ng ating mga may pilak ang halimbawa ng mga pilantrofo americano na sina Rockfeller at Carnegie. ...Pelikula, a journal of Philippine cinema
Helpful News Directory
Answers.com - Halimbawa ng salaysay tungkol sa kahirapan
Talumpati question: Halimbawa ng salaysay tungkol sa kahirapan? Isa rin akong OFW dito sa Dubai. Tama si Miss S. A. sa kanyang kwento at babala para sa ating mga ...
Answers.com - Halimbawa ng salaysay na patalambuhay
Mga Kilalang Tao question: Halimbawa ng salaysay na patalambuhay? â ̃º ang salaysay na patalambuhay ay ang nagsasalaysay tungkol sa talambuhay ng ...
Mga halimbawa ng pormal na salaysay? - MaybeNow
Questions & Answers "Google " Mga halimbawa ng pormal na salaysay? ... mga halimbawa ng pormal na salaysay. Report (9) (4) | 1 year, 8 month(s) ago. Enter some ...
All about halimbawa ng salaysay glued for you by GlueText ...
All about halimbawa ng salaysay, glued for you by GlueText®.com on July 04, 2010 at 08:49 EST
Halimbawa ng salaysay tungkol sa kahirapan
Halimbawa ng salaysay tungkol sa kahirapan? Improve. In: Filipino ... Maraming halimbawa ng slogan tungkol sa kultura pero hindi ko masasabi sa inyo dahil ...